Yosi
Hay, bakit ba di kita mapigilan?
Ang iyong amoy ang aking hanap-hanap
Di ko magawang ika'y pakawalan
Ang usok na kay tamis ilanghap.
Manipis mong katawan ang lagi kong hawak
Mawala ka lang ako'y naghihirap
Inuubo, naduduwal, sadyang wasak
Miss na ang session na aking nilalasap.
Sa aking hinagpis ikaw ang ligaya
Problema ko'y pansamantala mong pinawawala
Isang stick mo lang ako'y labis nang napapasaya
Kaya sa pagkawala mo'y... buraot ako bigla.

Comments
Post a Comment