Paalam

Sinta ako'y nagpapaalam na
Sa pag-ibig na ginugol sa isa't isa
Masakit man, parang tinik na bumabaon
Ngunit kailangan para tayo'y makaahon.

Sadya nga may katapusan ang lahat
Pati ang sigla't saya sa tingin natin na ay sapat
Tulad ng mga dahong nililipasan ng panahon
Natutuyo, nalalanta, rumurupok paglaon.

O Diyos, saan kukunin ang lakas?
Ng sa pusong ito maibaon ang bakas
Ng mga alaalang kay tagal nang naninirahan
Pipilitin na lang ilipat at itago sa isipan.


A Tagalog poem that I wrote when I broke up with my first boyfriend

Comments

Popular Posts